Add parallel Print Page Options

34 At(A) hindi na tuturuan ng bawat isa sa kanila ang kanyang kapwa, at ng bawat tao ang kanyang kapatid, na magsasabi, ‘Kilalanin mo ang Panginoon;’ sapagkat ako'y makikilala nilang lahat, mula sa pinakahamak sa kanila hanggang sa pinakadakila, sapagkat patatawarin ko ang kanilang kasamaan, at ang kanilang kasalanan ay hindi ko na aalalahanin pa,” sabi ng Panginoon.

35 Ganito ang sabi ng Panginoon,
na nagbibigay ng araw bilang liwanag sa maghapon,
    at ng mga takdang kaayusan ng buwan at ng mga bituin bilang liwanag sa gabi,
na nagpapakilos sa dagat upang umugong ng mga alon niyon—
    ang Panginoon ng mga hukbo ang kanyang pangalan:
36 “Kung ang takdang kaayusan na ito ay humiwalay
    sa harapan ko, sabi ng Panginoon,
ang binhi ng Israel ay hihinto
    sa pagiging isang bansa sa harapan ko magpakailanman.”

Read full chapter